LTO Exam Reviewer in Tagalog (with answers)

Updated Aug 20, 2021

Para matulungan po namin kayo makakuha ng lisensya sa pagmamaneho, nais namin ipamahagi itong LTO exam reviewer na Tagalog with answer.

Mas madali ang buhay kung marunong kang magpatakbo ng sasakyan. Pero bago ka makahawak ng manibela, kailangan mo muna ng lisensiya. Bilang malaking responsabilidad, hindi basta-basta ang pagkuha nito. Isa sa mga kailangang gawin ay ang sumailalim sa Written at Practical Driving Test na isinasagawa ng Land Transportation Office (LTO).

Para sa artikulong ito, ibabahagi ng Philkotse.com ang LTO reviewer Tagalog with answer para sa written exam, kasama ang sagot sa mga tanong. Ito ay ibinase sa mismong exam na ibinibigay ng LTO para sa mga aplikante.

Kasama din sa reviewer na ito ang ilan sa mga LTO traffic signs sa Tagalog para sa dagdag niyong kaalaman.

I. LTO Reviewer: Tagalog

1. Ang lisensyang “Non-Professional” ay para lamang sa mga nagmamaneho ng:

Sagot: Pribadong Sasakyan

2. Ang pagkakaroon ng lisensya ay isang:

Sagot: Pribelehiyo

3. Ang sasakyan ay nakaparada kung:

Sagot: Nakatigil ng matagal at patay ang makina

4. Ano ang dapat mong ihanda kung malayo ang biyahe?

Sagot: Maghanda ng kagamitang pangkumpuni at planuhin at ikondisyon ang sasakyan

5. Matapos kang mag-overtake at nais mong bumalik sa dating lane ng ligtas, kailangang:

Sagot: Nakikita mo sa “rear view mirror” ang iyong nilagpasan

6. Bago umalis mula sa paradahan, dapat mong:

Sagot: Suriin muna ang paligid bago mag patakbo

7. Ang hustong gulang sa pagkuha ng “Non-professional” na lisensya ay:

Sagot: 17 taong gulang

8. Maaari kang mag-overtake sa kanang bahagi ng sasakyan kung:

Sagot: Ang highway ay may dalawa o mas marami  pang lane patungo sa isang direksyon

9. Kung may “Stop” sign sa isang interseksyon, dapat kang:

Sagot: Huminto at kung wala nang panganib, magpatuloy

10. Habang nagmamaneho, gaano ka katagal dapat tumingin sa mga “side and rear mirrors”?

Sagot: Mabilis/Madalian

11. Kung paparada ka ng paahon sa may bangketa, saang direksyon mo dapat ipihit ang gulong?

Sagot: Palayo sa bangketa

12. Ano ang kahulugan ng patay-sindi na pula sa ilaw trapiko?

Sagot: Huminto at saka magpatuloy kung ligtas na

13. Anong dapat mong gawin bago lumiko sa kanan o sa kaliwa?

Sagot: Magbigay ng hudyat na hindi kukulang sa 30 metro

14. Sa tuwing lilipat ng lane, dapat sumenyas, tingnan ang rear view mirror at:

Sagot: Tignan kung may parating na ibang sasakyan

15. Sa highway na may dalawang guhit, maari kang mag overtake kung sa iyong panig ay may:

Sagot: Putol-putol na dilaw na guhit

16. Ang hindi pagsunod sa ilaw trapiko ay:

Sagot: Maaaring maka dulot ng aksidente

17. Kung ang nagmamaneho sasakyang nasa harap mo ay naglabas ng kanyang kaliwang kamay, saan niya nais lumiko?

Sagot: Sa kaliwa

Ano ang dapat mong gawin kapag parating ka sa isang kurbada?

Sagot: Bagalan ang takbo bago pa man durating sa kurbada

18. Ano ang mangyayari sa mahuhuling motorist na lasing sa alak o hinihinalang gumamit ng iligal na droga?

Sagot: Multa o pagkabilanggo, at pagsuspinde ng lisensiya

19. Kapag mabagal ang iyong takbo sa expressway, sa anong lane ka dapat gumawi?

Sagot: Sa pinaka-kanang lane

20. Ano ang dapat laging dalhin kung tuwing nagmamaneho?

Sagot: Lisensiya, rehistro at resibo ng pinakahuling registration sa LTO

21. Kung masangkot ka sa isang sakuna, kailan mo dapat ipaalam sa pulisya?

Sagot: Kaagad-agad

22. Mapanganib magpatako nang matulin kung gabi dahil:

Sagot: Mas maikli ang abot ng tanaw tuwing gabi

23. Ano ang dapat mong gawin kung pinahihinto ka ng pulis o sino mang awtoridad-trapiko?

Sagot: Huminto sa ligtas na lugar at ibigay ang lisensya at iba pang hinihingi ng pulis.

24. Mas mapanganib lumiko ng pakaliwa dahil:

Sagot: Kailangan maging listo sa mga saskyan na nagmumula sa kaliwa, kanan at pasalubong

25. Ang pinakaligtas na alituntunin kahit ikaw ang may karapatan sa daan (right of way) ay:

Sagot: Huwag ipilit ang karapatan

26. Sa mga rotunda, alin ang may “right of way”?

Sagot: Ang mga sasakyan na nasa pinaka labas na lane ng rotunda.

27. Bahal mag-overtake sa paanan ng tulay dahil:

Sagot: Maaaring hindi ka makita ng kasalubong na sasakyan

28. Ang pinakaligtas na distansya o agwat sa sinusundang sasakyan ay:

Sagot: Isang sukat ng saskyan

29. Ano ba ang kahulugan ng patay sinding dilaw na ilaw-trapiko?

Sagot: Magmarahan at magpatuloy kung wala nang panganib

30. Ano ba ang kahulugan ng tuloy-tuloy na guhit na kulay dilaw sa gitna ng daan?

Sagot: Bawal o mapanganib mag-overtake

31. Ayon sa batas, hindi ka maaaring magmaneho ng masyadong matulin, maliban kung:

Sagot: Walang panganib sa daan, o naayon sa takdang bilis

32. Ano ba ang dapat mong gawin kung nais ng sasakyan sa likod mo na mag-overtake?

Sagot: Gumawi sa kanan at magbigay ng sapat na espasyo para maka-overtake

33. Ang isang may lisensya ay maaring magmaneho ng:

Sagot: Uri ng sasakyang nakasaad sa lisenya

34. Kung ang makasalubong mo ay may nakakasilaw na ilaw, ano ba ang dapat mong gawin?

Sagot: Tumingin ng bahagya sa gawing kanan ng kalsada

35. Ano ang kahulugan ng senyas-trapikong kulay pula na hugis tatsulok?

Sagot: Nagbibigay ito ng babala

36. Ano ang kahulugan ng senyas-trapikong kulay pula na pabilog, octagon o baligtad na tatsulok ang hugis?

Sagot: Nagbibigay ito ng babala

37. Ano ang kahulugan ng senyas-trapikong kulay asul at puti na pabilog ang hugis?

Sagot: Nagbibigay ito ng direksyon at impormasyon

38. Ano ang kahulugan ng senyas-trapikong kulay asul at puti na parihaba o parisukat ang hugit?

Sagot: Nagbibigay ito ng impormasyon

39. Ano ang kahulugan ng dilaw na signal trapiko?

Sagot: Humanda sa paghinto at malapit nang sumindi ito ng pula

40. Ano ang kahulugan ng berdeng senyas-trapiko?

Sagot: Maaaring magpatuloy sa pagtakbo ng sasakyan

41. Ano ang kahulugan ng berdeng ilaw-trapiko?

Sagot: Senyang upang patakbuhin ang saskyan

42. Ano ang kahulugan ng berdeng “arrow” signal?

Sagot: Maaaring lumiko ng kaliwa o kanan

43. Ano ang kahulugan ng dilaw na “arrow” na senyas-trapiko?

Sagot: Malapit na itong sumindi bilang pula

44. Ano ang kahulugan ng puting guhit sa gitna ng daan?

Sagot: Naghihiwalay sa trapiko na tumatakbo sa makaibang direksyon

45. Ano ang kahulugan ng dilaw na guhit sa gitna ng daan?

Sagot: Bawal ang mag-overtake o lumusot sa kaliwa

46. Ang putol-putol na dilaw na guhit ay palatandaan na:

Sagot: Maaaring lumusot sa kaliwa

47. Ang putol-putol na putting guhit ay palatandaan na:

Sagot: Maaaring lumusot pakaliwa o pakanan kung walang peligro

48. Ang dalawang putol-putol na dilaw na guhit ay palatandaan na:

Sagot: Maaring lumusot sa pakaliwa o pakanan

49. Ang dalawang tuloy-tuloy na guhit ay palatandaan na:

Sagot: Bawal lumusot kailanman

50. Ang hustong gulang para sa pag-apply ng “Professional Driver’s License” ay:

Sagot: 18 taong gulang

51. Kung nais mong magpatakbo sa highway nang mas mabagal kaysa sa iba, dapat kang gumawi sa:

Sagot: Pinakakanang bahagi ng kalye

52. Ang pinakaligtas na tulin ng isang saskyan ay naaayon sa:

Sagot: Kakayahan ng sasakyan

53. Ano ang dapat mong gawin upang labanan ang pagod at antok sa pagmamaneho?

Sagot: Huminto muna at magpahinga

54. Ang isang drayber ay itinuturing na propesyonal kung:

Sagot: Siya ay inuupahan o binabayaran sa pagmamaneho ng sasakyang pribado o pampasahero

55. Sa isang interseksyon na walang nakatalagang senyas-trapiko, dalawang sasakyan ang dumarating mula sa magkaibang direksyon. Aling sasakyan ang dapat magbigay?

Sagot: Ang sasakyang huling dumating

56. Kailangan magbigay ng senyas kung kakanan o kakaliwa sa daratnang intersekyon sa layong:

Sagot: 30 meters

57. Kailan maaaring ipagamit ang lisensya sa iba?

Sagot: Hindi ito pinahihintulutan kailanman

58. Ang pinakaligtas na gawin kung natitiyak mo na may karapatan ka sa daraanan ay:

Sagot: Huwag ipilit ang karapatan

59. Kung umilaw ang brake lights ng sasakyan na nasa harap mo, dapat kang:

Sagot: Humanda sa pagpreno

60. Sa isang interseksyon na walang nakatalagang senyas-trapiko, dalawang sasakyan ang dumarating. Aling sasakyan ang mas may karapatan sa daan?

Sagot: Ang sasakyan nagmumula sa kanan

61. Kung may tumatawid sa tawirang pampaaralan, ano ang dapat mong gawin?

Sagot: Huminto muna habang may tumatawid

62. Ano ang kahulugan ng senyas-trapiko na kulay asul?

Sagot: Ito ay nagbibigay-kaalaman

63. Ipinagbabawal ang paglusot sa paanan ng tulay dahil:

Sagot: Mapanganib at maaaring hindi ka makita ng kasalubong na sasakyan

64. Kung masangkot ka sa isang sakuna, ano ang dapit mong gawin?

Sagot: Ipagbigay alam sa pinakamalapit na pagamutan ang pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

65. Ano ang kahulugan ng kulay pulang ilaw trapiko?

Sagot: Huminto at hintayin ang berdeng ilaw.

66. Kailang dapat gumawa ng desisyon ang isang drayber?

Sagot: Habang siya ay nagmamaneho

67. Saang lugar hindi ka dapat mag-overtake?

Sagot: Sa paanan ng mga tulay at sa mga sangandaan o intersekyon

68. Mapanganib ang likong pakaliwa kaysa sa pakanan dahil?

Sagot: Lubhang mabilis ang sasakyang galing kaliwa, kanan at kasalubong

69. Ano ang dapat mong gawin kung may pasaherong nais na bumaba?

Sagot: Paalalahanan sila na mag-ingat sa pagbaba

70. Ang busina ay ginagamit upang:

Sagot: Magbigay-babala sa ibang gumagamit ng lansangan

71. Ano ang kahulugan ng palaso o arrow na nakapinta sa kalsada?

Sagot: Sundin ang direksyong itinuturo

72. Ang pulang bandera o pulang ilaw ay dapat nakakabit sa anumang dala ng sasakyan na lalampas ng:

Sagot: Isang metro mula sa likuran ng saskyan

73. Ipinagbabawal ang pagtawid sa diretsong guhit na dilaw, maliban kung ikaw ay:

Sagot: Liliko sa kaliwa

74. Ano ang wastong senyas-kamay kung ikaw ay liliko sa kanan?

Sagot: Nakalabas ang kaliwang kamay at nakaunat

75. Ano ang takdang tulin ng sasakyan na dumadaan sa lugar kung saan may paaralan?

Sagot: 20 kph

76. Saang lugar hindi maaaring pumarada o itigil ang sasakyan?

Sagot: Sa tawiran ng tao

77. Kapag inilibas ng drayber ng sasakyan na nasa unahan mo ang kanyang kaliwang kamay na nakaturo sa ibababa, siya ay:

Sagot: Hihinto

78. Kung ang drayber na nasa unahan mo ay naglabas ng kaliwang kamay na nakaturo sa itaas siya ay:

Sagot: Liliko sa akanan

79. Kung nais mong magpalit ng lane sa highway, kailangan magbigay ng senyas:

Sagot: Sampung segundo bago tumawid ng lane

80. Ang pagmamaneho ng walang lisensya ay ipinagbabawal sa batas at may kaparusahang:

Sagot: Multa o pagkabilanggo

>>> Click here for the English version of this LTO Exam reviewer.

II. Mga ibat-ibang uri ng LTO traffic signs Tagalog

Traffic signs Meaning
Huminto
Magbigay-daan
Dapat magbigay-daan ang liliko ng kaliwa
 Bawal pumarada - Hintuan ito ng mga bus at jeep

Bawal pumarada, hintuan ng jeep  

Bawal harangan ang intersekyon
Bawal dumaan ang kahit anong uri ng sasakyan
Mga senyas na nagbibigay ng direksyon
Ang pinakamabilis na pinahihintulutang tulin
Pagtatapos ng limitasyon ng tulin
Ang pinakamababang pinahihitulutang tulin

III. Mga panghuling salita

Ang pinakamadaling bahagi ng LTO Driver’s Exam ay ang practical driving section, dahil tatagal lamang ito ng mahigit limang minuto. Karamihan sa mga aplikante ng lisensiya ay nahihirapan sa pag-intindi sa mga batas-trapiko at tamang asal tuwing nagmamaneho.

Sa pamamagitan ng reviewer na ito, nais ng Philkotse.com na makatulong sa pagbibigay-linaw sa mga dapat gawin habang nasa daan, para sa kapakanan ng bawat motorista.  

Also Read: Complete guide to get non-pro driver's license requirements

Cesar G.B. Miguel

Author

Cesar Guiderone B. Miguel was born and raised in Iligan City, Lanao Del Norte. He graduated in 2010 with a Bachelor of Arts in English degree from Mindanao State University - Iligan Institute of Technology. He previously worked as a freelance writer for various websites, as a member of the Iligan City Disaster Risk Reduction Management's training staff, and as a medical sales representative.

Facebook: https://www.facebook.com/goridus.goridus

View more